ISANG source ng PEP ang nag-reveal kung sino ang mystery guy sa buhay ni Kris Aquino. Ang rebelasyon ay buntot nang diumano’y pagkakalabuan nina Kris at Quezon City Mayor Herbert Bautista nitong nagdaang linggo.
Ayon sa source, Renan Morales ang name ng guy, isang incumbent councilor ng San Antonio, Nueva Ecija. Anak siya ni Rhodora Pascual, ang producer ng Trip ni Kris, ang two-hour special travel show hosted by Kris na mapapanood na sa GMA-7 sa April 9, Sunday.
Si Renan ang nag-compose at umawit ng theme song ng nasabing travel show.
Nabuking din na si Renan ang nagpadala kay Kris ng mga lobo at Ecuadorian roses noong Valentine season at kaarawan ng Queen of All Media pero hindi niya pinangalanan.
Ayon sa source, sa unang pagkikita ay tila may mutual attraction na sina Renan at Kris.
Naglilingkod bilang konsehal sa San Antonio, Nueva Ecija si Renan, na dating N-1 champion, kaya car racer at F3 Formula driver siya.
Pamilyar ang pangalan ni Renan dahil nakarelasyon niya noon ang sexy stars na sina Andrea del Rosario at Jeni Hernandez. Hindi malinaw kung may asawa si Renan sa ngayon o pareho silang single ni Kris.
Sa bagong chapter sa buhay ng nananahimik na Queen of All Media, tiyak na marami ang mag-aabang sa updates o sa katotohanan sa sinasabing ugnayan nila ni Renan.
Hintayin na lang natin ang mga gagawing “pasabog” ni Kris sa darating na mga araw. Knowing Kris, mawiwindang ang mundo ng showbiz kapag siya ang nagsalita hinggil sa bagong usap-usapang isyung ito tungkol sa kanya. (ADOR SALUTA)