BELGRADE (AFP) – Nahalal si Prime Minister Aleksandar Vucic nitong Linggo bilang pangulo ng Serbia sa unang serye ng botohan, ayon sa pagtaya ng IPSOS research institute.
‘’We can say that he is elected president,’’ ani Marko Uljarevic ng IPSOS sa AFP.
Tinaya ng IPSOS na nakuha ni Vucic ang mahigit 55 porsiyento ng mga boto, sinusundan ni ex-ombudsman Sasa Jankovic, na nakakuha ng 15%.