NAKATIKIM pala si Ryza Cenon ng galit ni Direk Laurice Guillen sa isang eksena ng kanilang top rating afternoon prime drama na Ika-6 Na Utos.

“Biggest role ni Ryza as Georgia sa soap,” sabi ni Direk Laurice. “Happy ako sa kanya dahil kahit sila puyat at pagod na sa set nina Gabby (Concepcion) at Sunshine (Dizon), mataas pa rin ang kanilang energy. Pero minsan, hindi makuha ni Ryza ang gusto kong gawin niya, kaya kinagalitan ko siya, aba, sinagot ako at tinalikuran. Kaya sabi ‘okey take na tayo.’ Lumapit lang ako kay Ryza para galitin siya, I motivated her para makuha niya ang acting na gusto ko. I succed naman.”

Management decision daw na ang kanilang afternoon prime ay from Monday at idiretso ang palabas hanggang Sabado, pagkatapos ng Eat Bulaga. Bakit kaya?

“Siguro maraming nakaka-relate ng story namin, the story is so simple pero iyon nga maraming nakaka-relate. Marami kasing p’wedeng gawin sa mga characters nina Rome (Gabby), Emma (Sunshine) at Georgia (Ryza). Kung ang usual story na napapanood natin, ang wife ay itinatago ang sakit ng loob niya, nagpapakamartir, para sa mga anak nila o ma-preserve ang marriage nila, dito, lumalaban si Emma.”

Tsika at Intriga

Francine bigla raw nawala sa line-up ng performers ng Marcos 107 free concert

Tungkol naman sa laging nag-aaway sina Emma at Georgia, lagi raw silang may fight instructor sa set, at kung medyo delikado ang cat fight nila, mayroon silang nagdo-double sa kanila.

Hindi rin alam ni Direk Laurice kung ano ang magiging ending ng kanilang afternoon prime drama. May nagsasabing gusto nila ng happy ending, na magkakabalikan sina Rome at Emma, si Georgia at Angelo (Mike Tan) ay makakita ng mga tunay na magmamahal sa kanila. Meron namang gusto ay maging friends na lamang sina Rome at Emma at they live with their respective loves ngayon. Siguro raw magkakaroon muli ng meeting ang creative team ng GMA Entertainment group para pag-usapan iyon.

Since malapit na ang Holy Week, tinanong namin si Direk Laurice kung saan sila ng mga anak na sina Ana at Ina Feleo?

“Si Ana luma-lovelife sa New York,” nakangiting sagot ni Direk Laurice. “May lovelife din si Ina, pero kami ang magkasamang magbabakasyon ng ilang araw sa Long Beach sa San Vicente, Palawan. It’s the longest white beach in the Philippines.”

Biniro namin si Direk Laurice kung wala ba siyang love life ngayon?

“Okey na ako na walang love life. Ayaw ko namang old din tulad ko ang maging boyfriend ko, masaya na ako na ganito.”

(Nora Calderon)