Nagbabala ang isang eksperto na lalo pang lumala ang mga insidente ng pagdukot sa mga tripulante, pamamayagpag ng mga pirata at pagpuslit ng droga sa karagatan, bunga ng unti-unting pagbagsak ng maritime security sa bansa.

Sa isang panayam na ginanap sa Manila Hotel, sinabi ni National Maritime Safety and Security (NAMSSA) Director General, Captain Jesser Cordova na mananatiling nasa alanganin ang seguridad pandagat hangga’t hindi naipatutupad ang International Ship and Port Facility Security (ISPFS) code sa bansa.

Ayon kay Cordova, ang istriktong implementasyon lamang ng ISPFS code ang solusyon upang mabawasan, kung hindi man tuluyang masolusyunan, ang mga problema sa maritime security.

“Abductions and piracy at sea transpiring on the waters of the country should have been avoided if maritime security plans are being implemented. And if there is a proper implementation of maritime security plans in ports and ships, and there is a clear coordination from Philippine Coast Guard (PCG), Maritime Industry Authority (MARINA) and Office of Transportation Security, then these incidents might have been avoided,” giit ni Cordova.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Ngunit hindi aniya ito nangyayari sa bansa at katunayan dito ang hindi pagkakaroon ng inspection records sa mga barko at mga pangunahing ports sa bansa simula pa noong Hulyo, 2016. (Mary Ann Santiago)