MONCADA, Tarlac - Isang lalaki na pinaniniwalaang nadulas sa banyo ang natagpuang inaagnas na sa Barangay Poblacion 3 sa bayang ito Sabado ng hapon.

Ayon sa pulisya, may ilang araw nang patay si Efren Lao, 63, bago matagpuan ang kanyang bangkay.

Sinabi ng kapatid ni Lao na si Edgardo na nag-iisa lang sa bahay si Efren at nang maligo sa banyo ay posibleng nadulas at nabagok ang ulo.

Natuklasan ang bangkay ni Efren nang makalanghap ng masangsang na amoy ang mga kapitbahay. (Leandro Alborote)

Probinsya

Ash falls dulot ng bulkang Kanlaon, naranasan sa ilang bahagi ng Negros Occidental