Tyga at Kylie copy

NAGHIWALAY uli sina Kylie Jenner at Tyga.

Kinumpirma ng sources sa People na ang Keeping Up with the Kardashians star at ang rapper ay kasalukuyang nasa in and off phase ng kanilang on-and-off relationship.

“They tend to take little breaks all the time and then get back together,” saad ng isang insider. “It’s definitely possible they’ll work things out again.”

Human-Interest

Ang Pasko sa loob ng selda at mga munting hiling sa likod ng rehas

Unang naugnay sina Jenner, 19, at Tyga, 27, noong taglagas ng 2014, bagamat hindi pa nila kinumpirma ang kanilang relasyon hanggang Marso 2015. Kasunod ng 18th birthday ni Jenner noong Agosto ng naturang taon, mas naging bukas ang dalawa sa kanilang pagiging magkasintahan, at regular na lumalabas na magkasama at ipinapakita ang kanilang pagmamahalan sa social media.

Hanggang sa naging bahagi na si Tyga ng pamilya, at sumama sa mga family trip at regular na lumalabas sa mga episode ng KUWTK.

Gayunman, paulit-ulit ang ups and downs sa kabuuan ng kanilang relasyon.

Una silang naghiwalay noong Nobyembre 2015 at muling nagkaroon ng sigalot nang makipag-date ang kapatid ni Jenner na si Rob Kardashian sa dating fiancée ni Tyga na si Blac Chyna.

Sa kabila ng mga hiwalayan at pagbabalikan noong 2016, sinabi ng source sa People na “over and over again, she feels like she can’t trust Tyga. There have been and continues to be too many lies.”

Isa pang insider ang nagsabi sa People nitong nakaraang taon na para kay Jenner, si Tyga “was her first true love.

That’s something that she just can’t walk away from entirely.” (People.com)