DUMATING na galing US si Gerald Anderson pagkatapos nitong sumali sa L.A. marathon last month.
Sa rami ng kanyang projects, endorsements at sports activites, feeling ng aktor ay sobra siyang blessed.
“Napakaganda ng mga projects na ginagawa ko sa TV and ‘yung pagdating sa pagiging celebrity. Ito ‘yung mga gusto kong i-inspire sa mga tao na live a healthy lifestyle and exercise. Hindi naman kailangan na mag-42K marathon but kahit papa’no mag-exercise, kumain ng tama. Sobrang blessed ako na nasa isang position ako na makapagbigay ako ng ganu’ng klaseng inspiration or motivation,” bungad ng aktor.
Gustong ma-inspire ni Gerald ang kanyang fans na maging fit gaya niya. Twenty-seven years old na siya pero pakiramdam niya ay kato-21 pa lamang niya.
“Ito talaga ‘yung pinaka-fit ko. Kasi kapag may gusto ka, gawin mo. ‘Pag dumating ‘yung mga times na you want to quit, just remember why you started. Like may goal ka na gusto mo marating or may gusto ka patunayan sa sarili mo or you just want to get fit. Ganu’n kasimple. And then darating ‘yung mga araw na ayaw mo na, eh. Darating ‘yung mga oras na ayaw mo na tumayo, ayaw mo suotin ‘yung sapatos mo, ayaw mo tumakbo, but you always have to think bakit mo ginagawa ito and you have a purpose,” paliwanag ni Gerald.
Kaya’t ang kanyang mensahe sa mga gaya niyang gustong maging fit and strong always?
“Oh, everyone, lahat ng mga kaibigan ko sa bahay, it’s always better na may kasama kang nagwo-workout so you push each other. Lahat ng kasama ko sa bahay lahat sila fit, eh. Kung ‘yung driver ko sumasali na rin sa mga triathlon and ‘yung PA ko kasama namin tumakbo, ‘yung ma-keup artist ko tumatakbo din sa mga marathon,” engganyo niya sa lahat.
Sinabi ng aktor na niyaya din niya ang rumored girlfriend na si Bea Alonzo na samahan siya sa pagtakbo.
“Yes, nayaya ko na siya. At malakas siyang tumakbo. I think 5K na siya, eh. Malakas siya walang biro, ah. Malakas talaga siya. I think isa sa mga maganda sa campaign na ito is that I get to inspire different people and sana isa siya sa mga na-inspire ko tumakbo. Pero dati pa siyang tumatakbo,” aniya.
Aminado naman si Gerald na they have healthy and supportive relationship on and off camera.
“Basta andiyan kayo na suportahan ‘yung isa’t isa. Wala ka namang ginagawang masama and you’re doing this for yourself, may sariling goal ka so basta supportive kayo sa isa’t isa,” pagtatapos ni Gerald. (Ador Saluta)