GABBI copy

PURO “congratulations” ang tinanggap ni Gabbi Garcia mula sa mga kasama sa Sunday Pinasaya para sa bago niyang endorsement.

Siya ang bagong brand ambassador ng Pantene at kaya big deal dahil international endorsement ito, airing din sa iba’t ibang bansa ang TVC at hindi lang dito sa Pilipinas.

Nabanggit pa nga ni Ai-Ai delas Alas sa Sunday Pinasaya na airing sa ten countries ang TVC ni Gabbi kasama ang Australia, kung saan ito kinunan. Dagdag pa ni Ai-Ai, si Gabbi lang ang Filipina endorser, the rest ay foreigners na.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang mala-alamat na kuwento ng Bulkang Kanlaon

Kaya nawala ng ilang episodes sa Encantadia si Gabbi dahil lumipad patungong Australia para sa TVC shoot. Maayos siyang nagpaalam kay Direk Mark Reyes, kaya pinayagan. Iyon nga lang, nagtampo ang fans niya dahil ang feeling nila, lagi na lang nawawala sa eksena ang aktres at pinababayaan nina Direk Mark ang karakter nitong si Alena.

Ngayong nalaman na ng kanyang fans kung bakit siya nawala ng ilang episodes, na-realize na siguro nilang walang katuturan ang kanilang galit. Saka, balik na sa Encantadia si Gabbi bilang si Alena at kapansin-pansin na mas humusay siya sa fight scenes.

Ang request na lang ng fans nina Gabbi at Ruru Madrid, kung hindi na uli mabubuo ang Alebarro tandem (Alena at Ybarro), bigyan na lang ng ibang makakapareha si Alena. Para raw hindi ito magmukhang kawawa habang unti-unting nabibighani si Ybarro/Ybrahim kay Ariana (Arra San Agustin) na reincarnation ni Amihan (Kylie Padilla).

(Nitz Miralles)