CAPAS, Tarlac - Isang dating opisyal ng Philippine National Police na naglingkod din bilang hepe sa bayan ng La Paz at Bamban, Tarlac, ang pinagraratrat ng riding-in-tandem sa Barangay Cut-Cut 1st, Capas, kahapon ng umaga.

Nagtamo ng ilang tama ng bala sa katawan si dating Supt. Eleno Ramos Mangrobang, 57, ng Barangay Villa Paz, Gerona, Tarlac.

Sinabi ng pulisya na minamaneho ni Mangrobang ang kanyang pulang Honda Civic Vehicle na may license plate WSR- 826 nang pagbabarilin siya ng dalawang taong nakasakay sa motorsiklo sa Manila North Road, Barangay Cut-cut 1st.

Patay na nang dalhin si Mangrobang sa Ospital Ning Capas. (Leandro Alborote)
Probinsya

Ash falls dulot ng bulkang Kanlaon, naranasan sa ilang bahagi ng Negros Occidental