NAIDEPENSA ni Pinoy Rene Dacquel ang Oriental Pacific Boxing Federation (OPBF) junior bantamweight title sa dominanteng 12-round split decision kontra world rated Shota Kawaguchi ng Japan nitong Sabado sa EDION Arena sa Osaka.
Nagtamo naman ng 3rd round knockout loss si Pinoy Eugene Lagos laban kay WBO No. 1 super bantamweight Cesar Juarez sa Auditoria Municipal, Tijuana, Mexico.
Dalawang hurado ang umiskor ng 115-113 para kay Dacquel at isa ang nagpanalo kay Kawaguchi sa iskor ding 115-113 kaya napanatili ng Pilipino ang OPBF title sa ikalawang pagkakataon.
Napaganda ni Dacquel ang kanyang kartada sa 19-6-1, tampok ang anim na knockout at tiyak na papasok na sa WBC ratings bilang OPBF champion at sa WBO rankings na No. 14 ranked si Kawaguchi.
Kasalukuyang nakalista si Dacquel bilang No. 10 contender kay IBF super flyweight titlist Jerwin Ancajas na isa ring Pilipino at napinsala ang kaliwang kamay sa laban kay Kawaguchi. (Gilbert Espeña)