Iniutos ng Office of the Ombudsman (OMB) ang anim na buwang suspension without pay sa presidente ng Davao Oriental State College of Science and Technology (DOSCST) at tatlo pang opisyal dahil sa iregularidad.
Napatunayan na si DOSCST head Jonathan Bayogan, kasama sina Airma Ladera, chair ng bids and awards committee (BAC), Vivian Labasano, director for administrative services, at BAC member Erlinda Patosa, ay may pananagutan sa hindi pagsunod sa Government Procurement Reform Act para sa pagbili noong Marso 2006 ng mga supply at kagamitan sa laboratory ng DOSCST nang walang public bidding at aprubadong budget para sa kontrata. Ang mga alok na presyo ay mula P225,000 hanggang P300,000 na lagpas sa procurement thresholds nang mga panahong iyon. “In fact, the defibrillator supplied by Multilab was defective,” saad sa desisyon.
Ang Commission on Higher Education ang inatasang mapatupad sa suspension order. (Jun Ramirez)