PALAYAN CITY, Nueva Ecija - Isang 52-anyos na umano’y illegal recruiter ang bumagsak sa kamay ng tracker team ng Palayan City Police sa manhunt operation sa hideout nito sa Barangay Singalat sa Palayan City, Nueva Ecija.

Tanghali nitong Marso 31 nang masakote ng pulisya ang matagal nang pinaghahanap na si Rhey Reyes y Rullan, residente ng Bgy. Manacnac, sa bisa ng dalawang arrest warrant sa kasong illegal recruitment.

Kung nais na pansamantalang makalaya, naglaan ang korte ng P200,000 piyansa sa suspek, na nakapiit ngayon sa himpilan ngh Palayan City Police. (Light A. Nolasco)

Probinsya

Ash falls dulot ng bulkang Kanlaon, naranasan sa ilang bahagi ng Negros Occidental