TARLAC CITY - Inihayag ni Polytechnic University of the Philippines (PUP) President Emmanuel De Guzman na magbubukas ang unibersidad ng bagong campus sa Barangay Balatong B sa Pulilan, Bulacan.
Bilang hudyat ng pagpapatayo ng tinaguriang “Kolehiyo sa Kabukiran”, ibinaon na ang panandang bato sa halos isang ektaryang lupa na donasyon ni Felimon Suarez sa nasabing lugar.
Sinabi ni De Guzman na sa pagbubukas ng campus sa Pulilan ay mag-aalok ang unibersidad ng mga kurso sa edukasyon, information technology at entrepreneurship management.
Nabatid na P12 milyon ang ipagkakaloob ng gobyerno para maitayo sa Pulilan ang unang 16 na silid-aralan habang maglalaan naman ng P10 milyon ang pamahalaang bayan para sa land development. (Leandro Alborote)