TINIYAK ni one-time world title challenger Mercito Gesta ng Pilipinas na makababalik siya sa world ranking nang talunin sa kumbinsidong 10-round unanimous decision si dating WBC Youth lightweight champion Gilberto Gonzalez ng Mexico kahapon sa Cosmoploitan of Las Vegas, Las Vegas, Nevada sa United States.

Bumagsak si Gesta sa 3rd round ng laban ngunit nadominahan niya si Gonzalez sa kabuuan ng laban para putulin ang walong sunod na panalo ng Mexican, lahat pawang sa knockouts.

“Former world title challenger Mercito Gesta scored a ten round unanimous decision over Gilberto Gonzalez,” ayon sa ulat ng Fightnews.com. “Gesta outboxed Gonzalez over the course of ten rounds. In round three Gesta was knocked down by Gonzalez. Scores were 99-91, 98-92, 96-93.”

Halos 18 buwan na hindi nagboksing si Gesta bago lumagda ng kontrata sa Golden Boy Promotions ni dating world champion Oscar de la Hoya at nagsanay sa ilalim ni Hall of Famer trainer Freddie Roach sa Wildcard Gym para sa kanyang comeback bout.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Umaasa si Gesta na mapapalaban sa world ranked boxer sa kanyang susunod na laban bago magtangka sa ikalawang pagsagupa para sa kampeonatong pandaigdig.

May rekord ngayon si Gesta 30-1-2 na may 16 pagwawagi sa knockouts samantalang ang knockout artist na si Gonzalez ay bumagsak sa 27-4-0 na may 22 panalo sa knockouts. -Gilbert Espeña