PINATULOG ni WBC International light flyweight champion Jonathan Taconing ng Pilipinas si dating Indonesian minimumweight champion Ellias Nggenggo sa unang round ng kanilang 12-round fight kamakailan sa Manila Hotel sa Maynila.

Nagsilbing tune-up bout ito ni Taconing sa posibilidad na mapalaban sa eliminator bout upang magkaroon ng rematch kay WBC junior flyweight champion Ganigan Lopez ng Mexico na tumalo sa kanyang sa 12-round unanimous decision noong nakaraang taon sa Mexico City.

Matatandaang si Nggenggo ang naka-upset kay ex-WBO minimumweight champion Merlito Sabillo noong 2014 sa Cebu City, ngunit hindi siya nakaporma kay Taconing.

Nakalista si Taconing na No. 2 contender kay Lopez kasunod ng isa pang Mexican na si dating world champion Pedro Guevarra at No. 3 ranked siya kay WBO junior flyweight titlist Kosei Tanaka ng Japan.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Matatandaang iniutos ng WBC na magharap sina Taconing at No. 3 contender Rey Loreto para sa karapatang hamunin si Lopez ngunit kapwa walang interes ang dalawang Pilipino na magharap sa eliminator bout.

Posibleng maging mandatory contender kasi si Loreto kay WBA minimumweight champion Thammanoon Niyomtrong dahil halos dalawang taon na siyang No. 1 contender pero patuloy na iniiwasan ng Thai champion.

May rekord si Taconing na 24-3-1 win-loss-draw na may 20 pagwawagi sa knockouts. - Gilbert Espeña