Chris at pasyente ng CHLA copy

SINORPRESA nina Chris Evans at Mckenna Grace ang mga pasyente ng Children’s Hospital Los Angeles (CHLA) nitong nakaraang Biyernes.

Tumulong ang dalawa sa pagtatapos ng month-long fundraising campaign ng ospital na Make March Matter, na higit 100 local business at corporate partner ang humimok sa kanilang mga customer na magbigay ng donasyon sa CHLA sa pamamagitan ng mga araw-araw na aktibidad.

Bukod sa pagtungo sa bawat kuwarto ng mga pasyente, dinala nina Evans at Grace ang advanced screening ng kanilang bagong pelikula na Gifted, habang nagbigay ang aktres ng handmade bracelets.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

Pagbibidahan ni Evans na gaganap bilang Frank ang Gifted na idinerehe ni Marc Webb. Kabilang rin sa pelikula sina Jenny Slate at Octavia Spencer, na nakabase ang screenplay kay Tom Flynn.

“(Chris Evans) thank you for visiting my daughter at #CHLA yesterday,” saad ni Reza Khorramian, ina ng isa sa mga binisitang pasyente, sa Twitter. Isa pang magulang na si Alicia Garcia ang nag-post din tungkol sa pagbisita ng dalawa sa Instagram. “Noah meets Captain America and McKenna Grace,” aniya.

Nauna nang bumisita ang katrabaho ni Evans sa Marvel, ang Guardian of the Galaxy star na si Chris Patt, nitong unang bahagi ng buwan. Sinorpresa rin ng mang-aawit na si Demi Lovato ang mga pasyente sa pagpapalabas ng kanyang bagong pelikula na Smurfs: The Lost Village kung saan siya ang nasa likod ng boses ni Smurfette. Nakibahagi rin sina Kim Kardashian-West at Jack Black sa kampanya na Make March Matter.

People.com