Laro Ngayon (San Juan Arena)

4 n.h. -- Racal vs Cignal-San Beda

TATANGKAIN ng Cignal-San Beda na maiuwi ang titulo sa pagwawalis sa serye laban sa Racal sa Game 2 ng kanilang best-of-three title series para sa 2017 PBA D League Aspirants Cup.

Ganap na 4:00 ng ngayong hapon, sisikapin ng Hawkeyes na muling magwagi kasunod ng 93-85 na panalo sa Game 1 upang tapusin ang serye.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Ayon kay Game 1 hero Jason Perkins, inaasahan nila ang pagbawi ng Tile Masters at kailangan nilang magpakakatag upang hindi na maulit ang kaganapan sa game 1 kung saan nakahabol ang racal mula sa 21 puntos na paghahabol.

Sa kabilang dako, umaasa naman si Racal coach Jerry Codiñera na makakapagsimula sila ng maganda at kukunekta ng maayos ang kanilang opensa.

Nagtala ang Tile Masters ng 25-percent shooting sa first half, na nagresulta sa 21-puntos na bentahe ng Cignal sa bungad ng third period ,57-36.

“We cannot let Cignal run their offense. It’s going to be difficult for us to catch up,” ani Codiñera. “If they get those types of lead from the start, it’s going to be hard for us because Cignal has different players like (Jason) Perkins who can play from inside and outside.”

“It’s rare for us to get at this level so we’ll try to equalize first,” aniya.

“We’ll try to do better in practice, be in one page. We know how strong coach Boyet (Fernandez)’ teams are, so what we’ll try to do is to keep it close. We’ll keep it at a striking distance and grab the opportunity. Hopefully next game, we’ll be much prepared.” - Marivic Awitan