KINUHA ng bagong koponang Creamline Cool Smashers ang dating Oregon State player na si Laura Schaudt bilang reinforcement para sa darating na Premier Volleyball League (PVL)’s season-openin Reinforced Conference na magbubukas sa Abril 30 sa San Juan Arena.

Mismong ang tinaguriang Volleyball Queen ng bansa na si Alyssa Valdez,na kamakailan lamang ay naglaro para sa 3BB Nakornnont sa Thailand League bilang unang Filipino import, ang tumanggap at sumalubong sa 6-5 spiker pagdating nya sa bansa galing ng Estados Unidos.

“She will be a big addition to our team and we hope we’ll do good this coming PVL conference,” pahayag ni Creamline team manager Sherwin Malonzo.

Bukod kay Valdez, magiging kakampi ni Schaudt sina Perpetual Help spiker Coleen Bravo at Jamela Suyat , San Beda standout Francesca Racraquin, Pau Soriano at Angie’s nagbabalik aksiyon na si Joyce Palad, Ivy Remulla ,Aerieal Patnongon at Janet Serafica.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Ang koponan na makikilala bilang Cool Smashers at pag -aari rin ng Rebisco company na sumusuporta sa Ateneo men’s at women’s volleyball teams sa UAAP, ay gagabayan ni coach Tai Bundit katulong si coach Oliver Almandro.

Naglaro si Schaudt sa loob ng limang taon para sa Oregon State kung saan napasama siya sa Sweet 16 sa US NCAA Division I.

Ayon pa kay Malonzo,kasalukuyan pa silang naghahanap ng magiging ikalawang import. - Marivic Awitan