JAKARTA (AP) – Pinasabog ng mga awtoridad ng Indonesia ang 81 banyagang barko na nahuling ilegal na nangingisda sa karagatan ng bansa.

Ang mga sasakyang pandagat ay pinalubog sa gitna ng dagat sa 12 lokasyon sa kapuluan nitong Sabado.

Sinabi ni Minister of Maritime Affairs and Fisheries Susi Pudjiastuti, sumaksi sa pagpapalubog sa dalawang barko sa daungan ng Ambon sa Maluku province, na bahagi ito ng pagtatanggol sa soberanya ng Indonesia at paglaban sa ilegal na pangingisda.

Sa kabuuan ay 317 banyagang barko na ang pinasabog ng Indonesia simula 2014, karamihan ay nagmula sa Vietnam, Pilipinas, Malaysia at Thailand, dahil sa illegal fishing.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'