Inaasahan ang muling pagtatapat nina Bradley Weiss ng South Africa at Ben Allen ng Australia para sa men’s crown habang magkukumahog namang makabawi si Jacqui Slack ng Great Britain sa women’s side sa kanilang gagawing pagsabak sa Xterra Off-Road Triathlon South sa Abril 23 sa Danao, Cebu.

Nakalusot si Weiss sa basa at madulas na kondisyon ng bike stage upang maungusan si Allen noong nakaraang taon sa karerang idinaos sa Albay.

Ngunit inaasahang mas matinding hamon ang kakaharapin ni Weiss hindi lamang mula kay Allen kundi maging sa susuungin nilang course sa Danao na sinasabing hindi lamang susubok sa stamina ng mga kalahok kundi maging sa kanilang mental toughness.

“This event is one of the biggest in recent years for Danao City, which has hosted international MTB races. We’re happy and fortunate that Sunrise Events, Inc. has chosen us to host the event and we guarantee a triathlon to remember,” ayon kay Representative Ramon Durano VI.

Pambansang Kamao Manny Pacquiao, nag-senti? Ilang netizens, todo-comfort!

Ang event na inaasahang llahukan ng 300 hanggang 400 mga triathlete ang una sa tatlong Xterra races na gaganapin sa Danao hanggang 2019.

May nakatayang $15,000 slaping premyo para sa mga mananalo sa pro division at P120,000 sa Asian Elite class.

Sisikapin na makabawi ni Slack sa naging kabiguan nito kay Lizzie Orchard ng New Zealand noong nakaraang taon sa women’s division.