Sa layuning mapahusay pa ang serbisyo ng Department of National Defense (DND) at tiyaking epektibo nitong natutugunan ang mga pangangailangan ng mga Pilipino, itinatag ang Multi-Sector Advisory Council (MSAC) para sa katuparan ng mga programa ng kagawaran alinsunod sa Philippine Defense Transformation Roadmap (PDTR) 2028.

Pinamumunuan ni Albay Rep. Joey Salceda, itinatag ang MSAC batay sa mga alituntunin ng Performance Government System sa layuning isulong ang “good governance, transparency and accountability” sa DND.

Isang Armed Forces of the Philippines (AFP) reservist, bago nahalal na chairman ng MSAC ay adviser ng council si Salceda, na chairman din ng Regional Advisory Committee for Philippine National Police Transformation and Development sa Bicol Region.

Nangako rin ang kongresista na tutulong sa programang pinansiyal ng AFP sa paniwalang mapapalakas pa ang kakayahan ng militar sa susunod na 10 taon.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Bukod sa mga policy recommendation, sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na isinusulong din ng MSAC ang aktibong pakikilahok ng iba’t ibang sektor ng lipunan sa mga programa ng DND para matiyak na akma ito sa pangangailangan ng mga Pilipino.