TARGET ng Department of Trade and Industry sa “Programang Pondo para sa Pagbabago at Pag-asenso” (P3) ang 30 pinakamahihirap na lugar sa bansa.

Inihayag ni Trade Secretary Ramon Lopez na hinihintay na lamang ng kagawaran ang inisyal na P1 bilyon pondo mula sa Department of Finance para masimulan na ang programa.

Inisyal na naglabas ng P118 milyon ang isang pribadong korporasyon para simulan ito sa piling lugar sa Occidental Mindoro, Tacloban City sa Leyte, at Sarangani.

Kailangan lang maging miyembro ng isang organisasyon ang mangungutang, tulad ng mga grupo ng mga nagtitinda.

Night Owl

Demokrasya: Haligi ng Pag-unlad at Pananagutan

“Mabilis maka-loan, hindi mo kailangang mag-fill-up ng mahabang papel at walang collateral,” saad ni Department of Trade Industry Secretary Ramon Lopez sa isang panayam sa telebisyon.

Inilahad ng kalihim na tanging 2 porsiyento hanggang 2.5 porsiyento lamang ang interes ng loan kada buwan, na mas mababa sa 5-6 scheme na may 20 porsiyentong interes.

“Parang micro finance din ‘yan. Mag-uumpisa ka sa 5,000 pesos, ‘pag nakabayad ka, puwede ka nang manghiram ng mas malaki,” paliwanag ni Department of Trade and Industry Secretary Lopez.

Makabubuo ang programa ng sistemang makapagpapatuloy at makapagpapanatili ng pondo mula sa pagkaubos nito.

“In the future, meron din tayong ganyang system that will tell whether the borrower is a manunuba or masipag magbayad,” dagdag pang paliwanag ni Department of Trade and Industry Secretary Lopez.

Kapag naging matagumpay ang Programang Pondo para sa Pagbabago at Pag-asenso, maglalaan ng P1 bilyon pondo ang Department of Trade and Industry sa bawat rehiyon. (PNA)