SA unang saknong ng tula na isinulat ng isang makatang taga-Inglatera ang nagsabing ang buhay ay sintamis ng pabango at sindalisay ng dasal.

At sa masasayang buhay ng mga mapalad na henyo at dakila, nalasap nila ang magandang buhay at luwalhati ng kanilang tagumpay. Dahil dito, sila’y dinakila, kinilala at tiningala ng kanilang mga kapanahon.

Ngunit hindi laging nangyayari ang nasabing halimbawa sapagkat maraming naging dakila at henyo, lalo na sa larangan ng Panitikan, na hindi naging maligaya sa kanilang buhay. Kabilang sa mga henyong ito si Francisco Balagtas, ang kinikilalang prinsipe ng mga Makatang Tagalog, ang unang tunay na makata at propagandistang PILIPINO.

Masasabing si Balagtas ay isang dakilang makatang nabigo sa buhay at pag-ibig. Ngunit ang kanyang pagkabigo ang naghatid sa kanya bilang isang nagliliwanag na tala sa Panitikang Pilipino. Dakilang makatang imortal ang pangalan sa kanyang mga isinulat, partikular na sa klasikong awit na FLORANTE AT LAURA.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Ang Florante at Laura ni Balagtas ay isa sa mga aklat na dinala ni Dr. Jose Rizal sa kanyang paglalakbay sa Europa.

Walang sawa niya itong binasa at dito niya hinalaw ang banghay (plot) ng kanyang NOLI ME TANGERE na isang nobelang panlipunan o social novel. Taglay ng Florante at Laura ang mga napapanahong menshe mula sa pagpapalaki ng anak hanggang sa paglilingkod sa bayan. Ganito ang ilang halimbawa: “Ang isang pinunong masakim sa yaman/ ay mariing hmpas ng langit sa bayan. Ang laki sa layaw karaniwa’y hubad sa bait. Ganito naman ang halimbawa sa pag-ibig O, pagsintang labis ng kapangyarihan, pag ikaw ay pumasok sa puso ninuman, hahamakin ang lahat, masunod ka lamang”.

Ayon sa kasaysayan, si Balagtas na noong panahon ng kanyang katanyagan ay tinawag na “Kikong Balagtas” ay isinilang sa Panginay, Bigaa (Balagtas na ngayon) Bulacan.

Simula pagkabata ni Balagtas ay mapagmahal na siya sa kalikasan. Naibigan niyang pagmasdan ang makulay na bukang-liwayway sa itaas ng burol, ang ginintuang kulay ng paglubog ng araw sa panahon ng tag-araw at ang namumukadkad na mga bulaklak na isinasayaw ng Amihan. Hinangaan ni Balagtas ang matatamis na awit ng mga ibon at ang malumanay na ngoyngoy at agos ng tubig sa batis.

Nagsimulang mabigo si Balagtas nang manirahn siya sa Pandacan, Maynila. Nakilala at naging kasintahan niya rito si Maria Asuncion Rivera, ang tintukoy na “Selya” na pinaghandugan niya ng Florante at Laura. Nakaribal o nakaagaw niya sa pag-ibig kay Selya si Mariano Capule na isang mayaman at maimpluwensiya. Nagawa nitong maipakulong si Balagtas sa pamamagitan ng gawa-gawang paratang. Tumindi ang kabiguan sa pag-ibig ni Balagtas nang si Selya ay pumayag na makasal kay Capule. (Clemen Bautista)