KAPANALIG, mahalaga ang edukasyon. Ito ang susi sa tagumpay ng bawat isa.

‘Yun nga lang, sa ating bayan ay medyo limitado ang depinisyon ng edukasyon. Maraming naniniwala sa atin na ang edukasyon ay dapat laging pormal. Hindi bukas ang marami sa atin sa konsepto ng paglilinang ng kasanayan o vocational education.

Kaya hindi nakapagtataka na malaki ang skills mismatch sa ating bansa. Kung titingnan ang labor market ngayon, maraming nagsipagtapos na hirap makahanap ng trabaho at maraming trabaho ang kulang sa mga aplikante habang sa ibang posisyon, milya-milya ang haba ng aplikante. Noong nakaraang taon, tinatayang nasa 1.2 milyong graduates ang hindi agad nakakuha ng trabaho dahil sa job mismatch.

Ayon sa Labor Market Information Report ng Department of Labor and Employment (DoLE) mula 2013 hanggang 2020, nasa 275 trabaho ang in-demand habang 102 naman ang mahirap malagyan ng tao.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Ang mga ganitong sitwasyon ay maaaring maiwasan kung mas bibigyang pansin ng ating lipunan ang paglilinang ng kasanayan, kasabay ng pagsasaayos sa pormal na edukasyon. Ang mataas na investment sa skills development ay isang mainam na paraan upang maiwaksi ang kahirapan at matugunan ang isyung hindi pagkakapantay-pantay ng lipunan.

Sa ngayon, marami ang nais makakuha ng diploma ngunit dahil sa hirap ng buhay, kaunti lamang ang nakakapagtapos ng pormal na edukasyon. Kung walang sapat na kasanayan ang mga hindi nakatapos, nawawalan sila ng option upang magkaroon ng disenteng hanapbuhay.

Ang investment sa paglilinang ng kasanayan ay hindi lamang dapat limitado sa pagbibigay insentibo sa mga institusyong nagbibigay ng training at vocational education. Kasama rin dapat dito ang pagtataas ng kamalayan ng mas maraming Pilipino ukol sa kabutihang maaaring idulot ng technical at vocational education.

Ipinaaalala sa atin ng Mater et Magistra ang kahalagahan ng edukasyon sa ating buhay at pagkatao: Marami pa ring hindi makatarungan at makataong pangyayari sa ating buhay ngayon. Marami pa ring pagkakamali na nakakaapekto sa ating mga gawain, layunin, istruktura at mga operasyon. Ngunit hindi natin maipagkakaila, salamat sa agham at teknolohiya, na ang mga produktibong sistema ngayon ay mas moderno at mas mahusay.

Lahat ng ito ay nangangailangan ng mas mataas na lebel ng kasanayan mula sa mga manggagawa. Kaya kailangan silang bigyan ng tulong at oras upang makumpleto ang kanilang vocational training, gayundin ang kanilang cultural, moral, at spiritual education. (Fr. Anton Pascual)