TOKYO (AP) – Nagsimula nang mangolekta ang mga organizer ng 2020 Tokyo Olympics ng mga lumang electronic device na gagamitin para sa paggawa ng mga medalya na ipagkakaloob sa mga atleta.

Dinaluhan ng Japanese Olympic swimmer na si Takeshi Matsuda at Paralympian na si Takuro Yamada ang seremonya sa Tokyo kahapon para simulan ang kampanya.

“It’s a great project that turns your old unused phones into athletes’ treasured medals,” saad ng four-time Olympic swimming medallist na si Matsuda. “I’m glad that by participating in this project, anyone can take part in the Games.”

Hinahangad ng organizing committee na makakolekta ng walong toneladang raw metal na makabubuo ng dalawang toneladang purong metal, sapat para makagawa ng 5,000 medalya para sa Tokyo Olympics.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina