Isaiah Thomas,Mario Hezonja,Aaron Gordon

CLEVELAND (AP) – Umikor si Lebron James ng 34 puntos, nagdagdag si Kyrie Irving ng 24 puntos upang pamunuan ang Cleveland sa 122-105 na panalo kontra Philadelphia para tapusin ang magulo at tadtad sa problema para sa kanilang koponan na buwan ng Marso.

Nakuhang putulin ng Cavalier ang kanilang kinasadlakang 3-game losing skid .

Nakakaalarma ang naitalang pagbulusok ng defending champions sa pagtatapos ng post season.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Mabuti na lamang at nakuha nilang makabawi kontra Sixers bago sumabak sa playoff.

Nagsimula ang gulo nang ipakita ni Irving ang kanyang pagprotekta sa kakamping si James nang banatan ito ni Justin Anderson sa likod.

Itinulak ni Irving si Anderson sa bench ng Philadelphia at doon na nagkainitan.

“It’s about it being a brotherhood around here and not letting anything happen to each other,” wika ni James. “On the court, our chemistry took a hit. Our camaraderie didn’t. At the end of the day, we have to fix it and we’re here to fix it. This is what we have and we know that, so as we continue to get our guys healthy and we continue to get into the flow of things, we’ll figure it out.”

Nagdagdag naman si Kevin Love ng 18 puntos habang nagtala si J.R. Smith ng apat na three pointers para sa Cavs na naitala ang kanilng ikasiyam na sunod na panalo kontra Sixers.

“They played at a championship level,” saad ni coach Brett Brown. “They took their frustrations out on us. It looked like they had their mind set on fixing some things versus the 76ers.”

Nagtala naman sina Richaun Holmes at rookie Timothe Luwawu-Cabarrot ng tig-19 puntos para sa Philadelphia na lumarong mayroon lamang iym na players matapos mawala sina Jahlil Okafor at Robert Covington sanhi ng knee injuries.

Nagkroon ng duda sa kakayahan ng Cavs na maipagtanggol ang kanilng titulo sanhi ng ilang defensive issues, injuries at inconsistency.

Matapos ang huli nilang talo kontra sa Chicago, nagpulong-pulong ang mga manlalaro ng Cavs para ayusin ang kanilang problem.

Ayon kay Cavs coach Tyronn Lue , walang saysay ang nangyaring players meeting kung hindi sila naglaro nang maayos.

“We needed a win, so it was a good win for us,”ayon pa kay Lue.

BOSTON (AP) –Nagawang lagpasan ni Isaiah Thomas at ng Boston Celticsang isang matinding pagsubok para mapanatili ang kanilang pangingibabaw sa Eastern Conference.

Nagtala si Thomas ng 35 puntos, nag-ambag si Jae Crowder ng 18 nang humabol ang Celtics para gapiin ang Orlando Magic 117-116 upang mapanatili ang kanilang agwat sa sumuunod sa kanilang Cleveland.

Makailang beses na naiwan ng 13-puntos ang Celtics sa laro bago sila tinulungang makahabol ni Thomas hanggang sa ibigay sa kanila ni Al Horford ang kalamangan sa pamamagitan ng dalawang freethrows, may 1:22 minuto na lamang ang natitirang oras sa laro.

Mula doon, tatlong beses nagmintis ang Orlando kabilang na ang driving layup attempt ni Elfrid Payton may dalawang segundo na lamang ang nalalabi sa laban.

Para sa Boston, ang panalo ang pinakamahirap nilang naitala kontra Orlando ngayong season matapos ang unang dalawa kung saan lumamang sila ng 30-puntos.

“Any way we can get a win is what we’re looking forward to,” ayon kay Thomas. “They’re a different team. ... They’ve been playing a lot better since the All-Star break.”

Hindi tumawag ang Orlando ng timeout at sa halip ay nag-set up ng play bago ang nasabing drive ni Payton.

“We all knew that was going to be the plan,” wika ni Magic coach Frank Vogel. “I love that we attacked in a scramble situation like that and got to the rim.”

Nagposte si Aaron Gordon ng 20 sa kanyang kabuuang 32 puntos sa first half na dinagdagan pa nito ng 16 rebounds,habang si Evan Fournier ay umiskor ng 20 puntos para sa Magic.

Nag-ambag naman si Payton ng career-high 15 assist at muntik pang nag-triple-double, matapos magtala ng 12 puntos at 9 rebounds.

Ang kabiguan ang ika-13 sunod ng Magic sa kamay ng Celtics sa Boston.

“I did tell them you’re going to have nights like this,” ani Celtics coach Brad Stevens. “You’re going to have nights where, man, it feels like it’s tough to get going and the other team is rolling.”