Dingdong Marian Enca copy

IPINAHAYAG na ni Marian Rivera sa “Chika Minute” ng 24 Oras last Friday na tuloy na ang pagbabalik nila ni Dingdong Dantes sa Encantadia.

Matatandaan na sa pagsisimula ng epic-serye last year, si Marian ang gumanap na Ynang Reyna Mine-a, ina ng mga Sang’gre na sina Pirena, Amihan, Danaya at Alena ng kaharian ng Lireo. Asawa naman niya si Dingdong, si Haring Raquim, ang hari ng Satoria. Pareho silang namatay na, pero bilang mga diwata at mga diwani sa telefantasya, puwedeng muling bumalik ang katauhan nila. At sa pakikipag-usap nga nina Dingdong at Marian sa executives ng GMA Entertainment TV, pumayag silang muling bumalik sa Encantadia.

Post ni Marian sa kanyang IG: “Mom and Dad are coming home. Everyone in Lireo is going to be grounded #ReynaMinea #Haring Raquim.”

Human-Interest

Netizen, ayaw na magbigay ng regalo sa pamilya niyang hindi marunong mag-appreciate

Sa interview ng 24 Oras kay Marian, ipinahayag din niya na hindi maapektuhan ng pagbalik nila sa telefantasya ang projects na gagawin nilang mag-asawa.

“May gagawin kaming tig-isang soap, ‘tapos iyong promise namin sa inyong rom-com series, itutuloy pa rin namin ‘yon pagkatapos ng soap namin,” dagdag ni Marian.

Handang-handa na si Marian sa lahat ng trabahong gagawin, bukod pa sa regular show niyang Sunday Pinasaya at guestings sa iba pang shows sa GMA-7, at sa advocacies na patuloy niyang tinutulungan.

Last week, muli siyang dumalo sa celebration ng disabled women and children. Pangatlong taon na ito ni Marian bilang Ambassdor for Women & Children with Disabilities.

Nag-post na muli si Marian sa IG ng isa pa niyang advocacy, ang pagtulong niya sa mga batang may cleft lip or palate, sa pamamagitan ng @smiletrainph.

“Smile mo share mo... kaya’t kung may kilala kayong may cleft lip or palate, itext o itawag sa Smile Train para sa libreng operasyon sa numerong 0917-52TRAIN (0917-52-87246). Mas masarap sa pakiramdam kung marami ang masaya at nakakangiti. #YANangsmile @smiletrainph.”

Napatunayan namin ito, isang text lang namin sa kanila para sa isang humingi ng tulong sa amin, madali silang sumagot at ini-schedule agad ang pagpunta sa doctor para makita ang pasyente. At sila pa ang magpa-follow-up at mangungumusta kapag may schedule na para sa operation.

Bukod sa lahat ng ito, malapit na rin ang pagbubukas ni Marian ng kanyang flower business na #FloraVidabyMarian.

(NORA CALDERON)