GABBI copy

PINAGKATIWALAAN ng international brand na Pantene ang Kapuso star na si Gabbi Garcia bilang pinakabago nitong Asian ambassador. Siya ang magiging bida sa bagong TV commercial at print campaign na ipalalabas at ibabandera sa 10 na bansa na binubuo ng Pilipinas, Vietnam, Indonesia, Thailand, Singapore, Malaysia, China, Hong Kong, Taiwan, at Australia.

Para sa proyektong ito, lumipad patungong Australia ang Kapuso star at nakatrabaho niya ang ilan sa mga tinitingalang personalidad sa larangan ng advertising kagaya ng award-winning photographer at filmmaker na si Olivier Staub, Sydney-based Hollywood stylist Ellie Goodman, celebrity hair stylist Ken Arthur, at ang Pinoy make-up artist na si Robbie Piñera.

Itinuturing ni Gabbi na malaking hamon ang proyektong ito, pero nagpapasalamat siya sa pagtitiwala ng international brand sa kanya.

Human-Interest

Ang Pasko sa loob ng selda at mga munting hiling sa likod ng rehas

“It feels overwhelming, especially knowing that the previous ambassadors are all strong and successful. But being in a big production where I work with people from different countries, I feel so empowered,” paliwanag ng Kapuso star.

Isandaang araw pagkaraan ng kanyang ika-18 kaarawan, nakatagpo kaagad si Gabbi ng panibagong tatahakin sa kanyang showbiz career. At bilang pinakabatang Pantene ambassador ng Asya, gagamitin niya ang pagkakataong ito para ibahagi sa kapwa kabataang Pinay na laging maniwala sa kanilang pangarap.