NO taping, no shooting si Derek Ramsay simula Mayo hanggang Hulyo dahil magiging abala siya sa practice para sa kanyang kinagigiliwang frisbee.

“Nagpaalam na ako sa TV5 na hindi muna ako magta-taping para sa aming bagong teleserye then alam na rin ng Viva na hindi ako makakagawa ng movie habang hindi pa natatapos ‘yung international competition na sasalihan ng team namin,” pahayag ni Derek nang makausap namin.

Hindi maiwanan ni Derek ang kanyang sports kahit nabalian na siya ng buto at napilayan dahil dito.

“Ewan ko ba, mahal na mahal ko ang sports kong ito pero. Tingnan mo naman, kahit may hindi magandang nangyayari still heto pa rin ako at kasama ako ng Philippine team na makikipag-compete sa Argentina soon.”

Tsika at Intriga

'Pinayanig mo ang Pilipinas!' Maris, naunahan daw mag-launch ni Jam?

Kaya hindi pa matutuloy ang pelikulang pagsasamahan nila ni Anne Curtis at ni Paolo Balesteros.

“Yes, may movie kaming gagawin ni Paolo at excited akong makasama siya sa trabaho dahil magaling siyang actor at proven na ‘yan dahil nanalo na ‘yan ng international best actor.”

Ano ang kanyang reaction na sa pelikula nila ni Paolo ay hindi raw maiiwasang magkaroon ng kissing scene.

“Kissing scene with Paolo? Ha-ha-ha-ha-ha! Siguro iinom muna ako ng wine bago ko gawin ‘yun, ha-ha-ha-ha-ha!”

Ayon kay Derek, kung kailangan sa pelikula na maghalikan sila at magkaroon ng bed scene ni Paolo ay wala siyang nakikitang masama.

“Besides pareho naman kaming actor at alam naming na ang lahat ay trabaho lang…”

Malaki raw ang tiwala niya kay Paolo.

“Every time na magkakaroon akong kissing scene or love scene nagsi-shot ako ng konting alak para pangpalakas-loob.

Ha-ha-ha-ha!”

Kung sa kissing scene nila nina Anne Curtis,Collen Luna, Jennylyn Mercado at iba pang actress ay shot lang ang ginagawa ni Derek, hindi kaya magpakalasing na siya kung matuloy nga ang kissing scene nila ni Paolo?

First time kasing gagawin ni Derek ang pakikipaghalikan sa kapwa lalaki.

“Huwag na muna nating pag-usapan ‘yan. Basta kung magkakaroon, willing ako, pero dapat kailangan talaga ng movie,” pagtatapos ni Derek sa interbyuhan namin. (MORLY ALINIO)