Tulad ng dapat asahan, hindi napatulog ni Filipino bantamweight Jason Canoy si South African Mzuvukile Magwaca kaya natalo sa 12-round split decision at natamo ang bakanteng WBF 118 pounds title kamakalawa ng gabi sa lugar nito sa Khayelitsha, Cape Town, South Africa.

Nanalo si Canoy kay Judge Darryl Ribbick sa iskor na 115-114 ngunit nagwagi si Magcawa kina Judges Clifford Mbelu at Eddie Marshal sa mga iskor na 117-112 at 117-110 kahit walang ginawa ang South African kundi magtatakbo sa kabuuan ng laban.

Nabatid na bumagsak si Magcawa pero hindi binilangan ng referee para matiyak ang pagwawagi ng South African.

“Canoy was the aggressor all fight long, landing blows to the body and overhand rights to the face of Magwaca but the South Afrtican who was on his bicycle all the time, used his reach to score points and clinched whenever needed,” ayon sa ulat ng Philboxing.com. (Gilbert Espeña)

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!