Sa layuning maiiwas ang mga bata sa malnutrisyon at mapahusay ang pagkatuto, ipinasa ng Kamara ang House Bill 5269 (National School Feeding Program for Public Kindergarten and Elementary Pupils.)

Itinaguyod ng House committee on basic education and culture ni Sorsogon Rep. Evelina Escudero ang panukala na magkakaloob ng libreng almusal sa mga eskuwelahan.

Ayon kay Cebu City Rep. Raul del Mar, pangunahing may-akda ng panukala, karamihan sa mahihirap na mag-aaral ay pumapasok nang hindi nag-aalmusal kaya hindi nakapagko-concentrate sa pagkatuto sa mga leksiyon. (Bert de Guzman)

Tsika at Intriga

Maris, namundok matapos maeskandalo kay Anthony