Nagbuga ng makapal na abo ang Bulkang Bulusan sa Sorsogon, isa sa anim na pinaka-aktibong bulkan sa bansa.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naramdaman ang weak emission na aabot sa 100 metro ang taas mula sa bunganga ng bulkan, bukod pa sa nakapagtala ng isang volcanic earthquake sa nakalipas na 24 na oras.
Dahil dito, hinigpitan pa ng ahensiya ang monitoring sa bulkan na nasa level 1 alert status pa rin na nangangahulugang mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa loob ng four-kilometer radius permanent danger zone (PDZ) nito sa posibilidad na bigla itong sumabog. (Rommel P. Tabbad)