Mas pinabilis ng Social Security System (SSS) ang proseso sa pagbabayad ng funeral at death benefits ng mga biktima ng sunog sa House Technology Industries (HTI) sa Cavite Export Processing Zone noong Pebrero.

Ito ang mahigpit na kautusan ni SSS President-CEO Emmanuel F. Dooc nang malaman na marami pang biktima sa nasabing sunog ang hindi pa nababayaran ng ahensiya.

Nabatid na sa halip na humingi ng death certificate, ipinagagamit ni Dooc ang master list ng HTI ng mga nabiktimang manggagawa para kaagad na maiproseso nang mabayaran na ng employees’ compensation. (Jun Fabon)

Bretman Rock, ibinida ang Filipina Barbie Doll na likha ng Fil-Am artist