Daan-daang Manilenyo ang nakinabang sa katatapos na medical at dental mission na magkatuwang na pinangasiwaan kahapon ng National Press Club (NPC), Manila Police District Press Corps (MPDPC) at UNTV News Channel.

Batay sa ulat nina Cyril Oira-Era at Amor Tulalian, ng Kamanggagawa Foundation, Inc., nabatid na umabot sa 423 katao ang nasuri sa medical mission, kabilang ang nabigyan ng libreng gamot at salamin sa mata at inayudahang legal.

Ayon kay MPDPC President Mer Layson, dakong 9:00 ng umaga nang isagawa ang medical mission sa MPD headquarters sa UN Avenue, sa pahintulot ni MPD Director Chief Supt. Joel Coronel. (Mary Ann Santiago)

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'