Mga Laro Bukas
(Rizal Memorial Stadium)
3 n.h. -- FEU vs UE (Men)
5 n.h. – ADMU vs AdU (Men)
NATAPOS sa scoreless draw ang laban ng defending champion University of the Philippines at University of Santo Tomas ngunit nagawa pa ring makopo ng Maroons ang ikalawang semifinals berth sa UAAP Season 79 men’s football tournament nitong Huwebes ng hapon sa Moro Lorenzo Field.
Tangan ng Fighting Maroons ang 25 puntos, may isang puntos na agwat sa namumuno at nauna nang semifinalist na Ateneo na may 26 puntos.
Dahil dito, pormal na umusad ang Maroons sa ikalimang sunod na taon sa semifinals.
“I thought we started the game very well. In the first 15 minutes, we could have scored probably two goals.
Unfortunately, we didn’t finish those opportunities,” pahayag ni coach Anton Gonzales matapos makipaghati ng puntos sa Growling Tigers.
“Attacking side, I think we need have more smarter movements sa itaas (forward line). Very predictable yung movements,” aniya.
Sa panig ng Tigers, na naghahangad na manatiling nasa kontensiyon para sa Final Four ay may natipon ng 14-puntos.
Nakatulong ang pagbabalik sa roster ng Maroons sina Ian Clariño at reigning MVP Daniel Gadia na dalawang laro nilang hindi nakasama dahil sa obligasyon ng mga ito sa national Under-22 team .
Sa kababaihan,tinalo ng nauna ng finalist De La Salle ang Ateneo, 5-0, para manatiling walang talo at makalikom ng 18 puntos.
Napanatili namang buhay ng titleholder UP ang pag-asang umusad Finals matapos makapuwersa ng 1-1 draw kontra FEU.
(Marivic Awitan)