CABANATUAN CITY - Bubuksan ng Police Regional Office (PRO)-3 ang online recruitment application system (ORAS) nito upang punan ang kakulangan sa 570 pang pulis sa Central Luzon.

Ayon kay PRO-3 Director Chief Supt. Aaron Aquino, bubuksan nila ang Philippine National Police (PNP) Oras sa Lunes, at patuloy na tatanggap ng mga aplikasyon online hanggang sa Abril 28.

Aniya, kailangang mapunan ang unang 300 bakanteng puwesto, o regular quota, hanggang Hulyo 1, samantalang ang nalalabing 270 bakanteng puwesto o attrition quota ay kailangang mapunan hanggang Nobyembre 16, 2017.

Bukas ang aplikasyon sa lahat ng Pilipino, edad 21-30, nakatapos ng kolehiyo, may taas na 1.57 metro para sa babae at 1.62 metro sa mga lalaki. (Light A. Nolasco)
Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente