Walang dapat ipangamba sa supply ng kuryente ngayong tag-init, tiniyak ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) kahapon.

Sa panayam kay Fidel Dagsaan, power network planning head ng NGCP, kung masusunod ang forecast na 9,870 megawatts na pinakamataas na konsumo ng kuryente ngayong Mayo ay walang magiging problema.

Sa kabila nito, sinabi ng NGCP na walang kasiguruhan na hindi magkakaroon ng brownout ngayong summer dahil hindi na nila hawak kung sakaling may masisirang planta, emergency shutdown, at iba pang problema. (Jun Fabon)

Tsika at Intriga

'Back to you mamang!' Chloe, rumesbak kay Ai Ai matapos hiwalayan ni Gerald?