Multiple organ failure secondary to complications of cosmetic surgery.

Ito ang resulta ng autopsy ni Shiryl Anabe Saturnino na sumailalim sa tatlong magkakasabay na cosmetic procedures sa The Icon Clinic sa Mandaluyong City kamakailan.

Ayon kay Police Sr. Supt. Marcelino Pedrozo, commander ng Special Investigation Task Group (SITG) Shiryl, sasampahan ng kasong kriminal at administratibo ang mga doktor ni Shiryl sa oras na mapatunayang nagpabaya ang mga ito na naging sanhi ng pagkamatay ng biktima.

Matatandaang nasawi si Saturnino makaraang sumailalim sa liposuction, butt at breast augmentation na pinangunahan nina Dr. Samuel Eric Calderon Yapjuangco, Anesthesiologist at Dr. Jose Jovito Cordero Mendiola, at mga nurse na sina Virgil Alec Ongleo, Alvin Carl Genove at Audrey Michelle Santos.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

“Nakikita kong may negligence on part of The Icon Clinic, considering na ‘yung initial requirements para mag-exist ang isang medical clinic ay hindi nila nasunod,” ani Pedrozo.

“We are contemplating to file reckless imprudence resulting to homicide. That will lead to the reprimand, suspension, and revocation of the license of the doctors or the nurses involved.” (Mary Ann Santiago)