McCoy copy

ITATAMPOK sa unang pagkakataon si McCoy de Leon sa Maalaala Mo Kaya ngayong gabi. Pagbibidahan niya ang kuwento ng pagbangon ng isang rebeldeng anak na biglang naulila at hinarap ang buhay nang mag-isa.

 

Bilang nag-iisang anak, tingin ni Mon (Mccoy) ay nasa kanya na ang lahat. Kaya lumaki siyang maluho, arogante, at nakadepende sa kanyang mga magulang na sina Lino (Christopher de Leon) at Mila (Tetchie Agbayani).

Human-Interest

UST, ibinida grades ni Dr. Jose Rizal bilang mag-aaral ng Medisina

 

Ngunit sa isang iglap ay biglang naglaho ang kanyang maginhawang buhay nang bumagsak ang negosyo ng kanilang pamilya.

Pero hindi pa iyon ang katapusan ng kanyang kalbaryo dahil magkasunod ding pumanaw ang kanyang ina at ama.

 

Paano niya nalampasan ang mga paghamon sa kanyang buhay?

 

Makakasama nina McCoy, Christopher at Tetchie sa upcoming episode sina Louella de Cordova, Patrick Sugui, Dang Cruz, at Lei Navarro mula sa panulat ni Benson Logronio at sa direksiyon ni Elfren Vibar. Ang MMK ay pinamumunuan ng Star Creatives COO na si Malou N. Santos.

Abangan ang longest-running drama anthology sa Asya tuwing Sabado ng gabi sa ABS-CBN o ABS-CBN HD (SkyCable Channel 167). Panoorin nang libre ang latest episodes nito sa iwantv.com.ph o skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers.