Bahagi ng malusog na demokrasya katulad ng Pilipinas ang media, kaya dapat na tingnan ito bilang kritiko at hindi bilang kalaban ng estado.

"Our individual freedoms and our democracy are better served by a free and critical press. It is part of our democracy for presidents to be at the receiving end of a critical press," pahayag ni Senator Francis Pangilinan.

Ang pahayag ay ginawa ni Pangilinan matapos kastiguhin ni Pangulong Duterte ang isang pahayagan at isang TV station nitong Huwebes, nang manumpa sa kanya ang mga bagong opisyal ng Philippine Councilors League.

Aniya, marami nang Presidente ang nawala sa Malacañang, pero ang media ay nananatili pa ring nakatayo sa ating lipunan.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“All these presidents have since left Malacañang but the press is still very much around. Ang ating demokrasya at kalayaan ay mas higit na tumitibay kapag nariyan ang malayang pamamahayag. Maaaring hindi sanay ang Pangulo sa mga batikos mula sa media dahil sa kanyang karanasan bilang mayor ng Davao ng halos tatlong dekada ngunit iba ang usapan kapag buong bansa na ang ginagalawan niya,” ani Pangilinan.

KASUHAN NA LANG

Iginiit naman ni Senator Antonio Trillanes IV na kung hindi totoo ang mga ulat sa media hinggil sa akusasyon niya kay Pangulong Duterte, dapat daw ay sampahan na lamang siya nito ng kasong libelo.

“Mr. President, if media reports based on my allegations weren’t true, then why didn’t you just sue me for libel?” ani Trillanes.

Muli niyang hinamon si Pangulong Duterte na lumagda ng “waiver” para masilip ang bank accounts nito at nang magkaalaman na.

Tinawag pa niyang sinungaling ang Pangulo at nilinaw na hindi milyon ang kanyang alegasyon kundi bilyong piso ang dumaan sa bank account ni Duterte.

“By the way, my allegation wasn’t P200 million but more than two billion pesos in accumulated credits in your bank accounts, just sign a waiver para magkaalaman na. Sinungaling ka,” dagdag pa ni Trillanes sa kanyang text message.

REKLAMO HINDI PAG-ATAKE

Samantala, sinabi ng Malacañang kahapon na inirereklamo lamang ni Pangulong Duterte ang hindi patas na coverage nang kalampagin niya ang dalawang malaking media outfit nitong Huwebes.

Ang paliwanag ay may kaugnayan sa pagpuna ni Pangulong Duterte sa aniya’y hindi patas na ulat ng isang pahayagan at isang TV station sa mga ulat tungkol sa kanya lalo na noong panahon ng kampanyahan.

Nakasaad sa statement ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella nitong Huwebes ng gabi na batid ni Duterte ang tungkulin ng media upang pumuna pero nakalulungkot ang mga ulat ng dalawang outfits tungkol sa Pangulo.

“The President’s remarks on ABS-CBN Corporation and Philippine Daily Inquirer is a complaint against unfairness and are not attacks against Philippine journalism,” ani Abella.

“The President himself agreed with the adversarial role of media as check and balance against government abuses and venalities,” dagdag niya.

"However, it is unfortunate that these two media outfits tend to project the President as a caricature of a berserk strongman over a failed state," aniya. (Leonel M. Abasola at Argyll Cyrus B. Geducos)