ERIK copy copy

NAGSAMPA ng complaint nitong nakaraang Huwebes, March 30, sa Quezon City RTC -- Prosecutor’s Office ang chief executive officer ng Cornerstone Entertainment, Inc. na si Erickson Raymundo at ang singer na si Erik Santos laban sa DZMM showbiz news anchor na si Jobert Sucaldito.

Nagsampa sina Erickson at Erik ng kabuuang 43 counts of cyber libel, 12 counts of grave threats, one count of slander at two counts of libel.

Ayon sa kanilang abogado na si Atty. Joji Alonso, para kay Erickson ay 22 counts of cyber libel, one count of slander at six counts of grave threats ang isinampa. Para kay Erik naman ay isinampa ang 21 counts of cyber libel, two counts of libel at six counts of grave threats.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Nag-ugat ang demanda sa ilang Facebook posts ni Jobert, at ayon kay Erickson, “Nu’ng binabasa ko kasi, it’s all lies and it’s affecting me emotionally, my artists, my company, my staff so I feel lang na we have to put an end also, put a stop du’n sa vicious cycle of harassing artists and personalities to advance your personal interests.”

Tinanong si Erickson kung nagkausap sila ni Jobert bago sila naghain ng complaint ni Erik?

“No. We tried reaching out initially pero hindi.”

Ang ilan sa celebrities na nasa pangangalaga ng Cornerstone ay sina Jaya, Yeng Constantino, Kyla, Sam Milby, K Brosas, Thor, Benj Manalo at Nicco Manalo, at pati na ang film director na si Joyce Bernal.

Lima sa Cornerstone artists, sina Erik Santos, Jaya, Yeng Constantino, K Brosas at Kyla ay jurors sa “Tawag ng Tanghalan” sa It’s Showtime at tanging si Kyla lamang ang wala nang isampa ang kaso. (ADOR SALUTA)