Mas nais ng gobyerno na makabuo ng kasunduan sa bilateral ceasefire sa mga komunistang rebelde sa halip na magdeklara lamang ng unilateral truce, sinabi kahapon ni GRP Peace Panel Chairman at Labor Secretary Silvestre Bello III kahapon.

Muling mag-uusap ang gobyerno at National Democratic Front (NDF) peace panel sa Abril 2 hanggang 6 sa Netherlands para talakayin ang bilateral ceasefire agreement at mga socio economic reform.

“Right now, there is no reason to declare a unilateral ceasefire because our President is more interested in obtaining a bilateral ceasefire agreement,” sabi ni Bello sa press briefing sa Malacañang.

“I think we should concentrate more on this more important agreement because this is where we will be assured of the lowering or ending of hostilities. At the same time, we are assured of the parameters and the terms of reference of the agreement. Kaya mas importante ‘yun, mas mahalaga po ‘yun,” aniya.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Naunang nagpahayag ang Communist Party of the Philippines (CPP) at New People’s Army (NPA) na ibabalik nila ang unilateral ceasefire bago ang pagsisimula ng mga usapang pangkapayapaan sa gobyerno. Kapalit nito, nanawagan sila kay Pangulong Rodrigo Duterte na utusan ang militar na kumalma sa opensiba nito laban sa mga rebelde.

Kasama sa pagtalakay sa panukalang bilateral ceasefire agreement ang mga sensitibong isyu gaya ng kahulugan ng buffer zones at pangongolekta ng revolutionary tax.

Ayon kay Bello, tumanggi ang Norway na maging “referee” sa bilateral ceasefire talks ngunit handa namang tumulong sa proseso ang Switzerland, Canada at Australia.

Bukod sa panukalang bilateral truce, tatalakayin din ng dalawang partido ang socioeconomic reforms na inilarawan ni Bello na “heart and soul of the peace process.”

Aniya mahalagang matugunan ang ugat ng armadong labanan gaya ng matinding kahirapan, kawalan ng hustisya at katiwalian. (GENALYN D. KABILING)