Hindi tatanggapin ni dating pangulo at incumbent Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo ang speakership post kahit ialok ito ng PDP-Laban, na kumukontrol sa Kamara.

Gayunman, maaaring pamunuan ni Arroyo ang 25-man constitutional commission na nilikha ni Pangulong Rodrigo Duterte upang magsilbing advisory body na tutulong sa paggiya sa Kongreso at sa executive department sa pag-amyenda sa 1987 Constitution.

Ang paglikha sa Charter change advisory body ay iminungkahi ni Speaker Pantaleon Alvarez, na nagsibak naman kay Arroyo bilang deputy speaker noong nakaraang buwan.

Kamakailan, lumutang ang pangalan ng dating pangulo bilang isa sa mga dahilan ng umiinit na sigalot ng dating magkaibigang sina Alvarez at Davao del Norte Rep. Antonio “Tonyboy” Floirendo Jr.

Libreng toll fee sa NLEX,SCTEX at iba pang expressway, ipatutupad sa Pasko at Bagong Taon

Ayon kay Floirendo, maaaring ang mga alingasngas na siya ang nasa likod ng pagpapatalsik kay Alvarez ang isa sa mga dahilan kung bakit ito nagsampa ng kasong graft laban sa kanya kaugnay ng umano’y mga anomalya sa grant sa 25-year extension to the lease ng 5,068 na ektaryang lupain sa family-owned na Tagum Agricultural Development Company.

Ayon sa alingasngas, si Floirendo ang nasa likod ng pagpapaupo kay Arroyo sa mababakanteng puwesto ng incumbent speaker.

Matigas na itinanggi ng Mindanao solon na siya ay bahagi ng naturang pakana.

“FPGMA (Arroyo) has told us she is not interested in being installed as speaker. But heading the Concom is a different matter, she may welcome this appointment,” sabi ng isa sa pinakamalalapit na advisers ni Arroyo na humiling na huwag nang pangalanan. “Speaker Alvarez has no reason to worry about FPGMA, she has no interest in being a speaker.”

Idinagdag ng source na walang kinalaman si Arroyo sa lumulubhang alitan nina Alvarez at Floirendo. (Ben R. Rosario)