Hinatulan ng Sandiganbayan Fourth Division ng hanggang 20 taong pagkakakulong si dating Angeles City Mayor Francis Nepomuceno matapos mapatunayang nagkasala sa dalawang kaso ng graft.
Kinasuhan si Nepomuceno ng paglabag sa Section 3(e) at 3(g) ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act (R.A. 3019), kasama si Kapanalig Angeles City, Inc. President Abelardo Pamintuan, Jr. makaraang bigyan ng una ng benepisyo ang non-government organization (NGO) ni Pamintuan sa isang transaksiyon na kinabibilangan ng pagdo-donate ng Mitsubishi Adventure ng siyudad.
Pinili ni Nepomuceno ang NGO ni Pamintuan para tumanggap sa Adventure noong Hunyo 8, 2010, na ayon sa prosekusyon ay paglabag sa Local Government Code.
Kapwa kinasuhan sina Nepomuceno at Pamintuan ng anim hanggang 10 taong pagkakapiit sa bawat kaso ng graft.
(Czarina Nicole O. Ong)