CEBU CITY – Isang 49-anyos na lalaking aminadong durugista ang umamin sa pagpatay sa isang apat na taong gulang na lalaking anak ng isang pulis sa Sitio Tianggihan, Barangay Duljo-Fatima sa Cebu City, nitong Huwebes ng hapon.

Inamin ni Danilo Remulta, tindero ng balut, na sabog siya sa droga nang saksakin niya si Emmanuel Martinez, Jr. dahil napikon siya sa panunukso ng bata sa kanya.

Ayon sa hepe ng Mambaling Police na si Senior Insp. Eduard Sanchez, lasing at bangag ang suspek nang lapitan ang bata at saksakin ito habang nakatalikod. Tumagos ang patalim sa puso ng paslit, ayon kay Sanchez.

Hindi naka-duty nang araw na iyon, nakasaklolo pa si PO1 Emmanuel Martinez, nakatalaga sa San Nicolas Police, sa anak ngunit hindi niya bitbit ang baril nang mga oras na iyon. (Mars W. Mosqueda, Jr.)

Probinsya

74-anyos na lolang hinabol ang alagang pusa, patay matapos mabangga