SOPRESANG nanguna sa ginawang botohan ng mga fans si Star guard Mark Barroca para sa mga darating na 2017 PBA All-Stars.

Nakakuha ang Zamboanga City native ng kabuuang 32,793 boto sa isinagawang in-venue at online voting upang manguna sa Mindanao PBA All-Star team na sasabak kontra Gilas Pilipinas sa Xavier University Gym sa Cagayan de Oro sa Abril 26.

Sumunod kay Barroca ang Ginebra guard na si Scottie Thompson na nakakuha ng 18,641 boto, PJ Simon (16,486), Rafi Reavis (10,043), at Cyrus Baguio (9,396) para bumuo sa starter ni coach Chito Victolero.

Para naman sa Luzon All -Star, nanguna naman ang teammate ni Barroca sa Star na si Marc Pingris na may kabuuang 11,079 boto..

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Kasama niya sa first five sina Calvin Abueva (11,538), Japeth Aguilar (11,159), Paul Lee (8,163), at Jayson Castro (6,627) para sa koponang gagabayan ni coach Leo Austria kontra Gilas sa larong idaraos sa Quezon Convention Center sa Lucena sa Abril 28.

Sa pinakahuling bilangan na nakalaan sa Visayas All-Star naging topnotcher naman sa botohan si Rain or Shine gunner James Yap na may 18,612 boto.

Kasama ni Yap bilang starting five ni coach Tim Cone sina reigning three-time MVP June Mar Fajardo (18,042), Terrence Romeo (15,069), Joe Devance (10,758), at Jeff Chan (9,419) sa larong gaganapin kontra Gilas sa Hoops Dome sa Lapu-Lapu City, Cebu sa Abril 30. (Marivic Awitan)