ZAMBOANGA CITY – Isang kilabot na miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) ang naaresto sa Zamboanga City nitong Huwebes ng umaga.

Inihayag ni Armed Forces of the Philippines-Western Mindanao Command (AFP-WestMinCom) Spokesman Capt. Jo-Ann Petinglay na nadakip ng mga operatiba ng Joint Task Force (JTF)-Zamboanga at Zamboanga City Police Office si Amilton Tammang, alyas “Nonoy” at “Dondon”, miyembro ng Abu Sayyaf, sa port area ng Zamboanga City bandang 7:00 ng umaga nitong Huwebes.

Sinabi ni Petinglay na naaresto si Tammang, 29, residente ng Barangay Liang, Patikul, Sulu, sa bisa ng warrant of arrest para sa mga kasong murder at frustrated murder.

Ayon pa kay Petinglay, si Tammang ay isang kilabot na kasapi ng ASG Ajang-Ajang group na kumikilos sa Jolo, Sulu.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Isa si Tammang sa mga suspek sa pananakot sa isang construction company sa Bgy. Liang, Patikul, noong 2016, at isang construction worker ang pinugutan sa insidente, ayon sa militar. (Nonoy E. Lacson)