KUALA LUMPUR (AFP) – Naging emosyonal ang pag-uwi ng siyam na Malaysian na pinalaya ng Pyongyang nitong Biyernes, matapos ipadala pauwi ng Kuala Lumpur ang bangkay ng pinaslang na half-brother ng lider ng North Korea para wakasan ang hidwaan.
Pinatay si Kim Jong-Nam gamit ang mabagsik na nerve agent VX o noong Pebrero 13 sa Kuala Lumpur airport. Nagbunsod ito ng matinding bangayan ng Malaysia at North Korea at nauwi pa sa pagpalayas sa ambassador ng isa’t isa at pagharang sa pag-uwi ng kani-kaniyang mamamayan.
Sa kasunduan na inanunsiyo ni Malaysian Prime Minister Najib Razak, sinabi ng dalawang bansa na inalis na nila ang kani-kanilang travel ban.