Kinumpirma kahapon ng Philippine Army (PA) na 10 rebelde ang napatay sa pakikipagsagupaan ng militar sa New People’s Army (NPA) sa General Nakar, Quezon, iniulat kahapon.

Ayon kay Maj. Gen. Rhoderick Parayno, commander ng 2nd Infantry Division ng PA, 10 rebelde ang napatay sa engkuwentro ng mga ito sa tropa ng 80th Infantry Battalion.

Sinabi ni Parayno na nangyari ang labanan bandang 2:00 ng hapon nitong Huwebes sa Sitio Pahimuan, Barangay Lumutan, General Nakar.

Ayon pa sa report, amasona o babaeng rebelde ang kabilang sa 10 nasawi sa bakbakan, habang dalawang sundalo naman ang nasugatan.

Probinsya

6 dayuhang nagsasagawa ng medical mission sa Leyte, ninakawan!

Samantala, inihayag ng Misamis Oriental Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (MOPDRRMO) na nagsilikas ang may 180 katao matapos sumiklab ang engkuwentro ng militar at NPA sa Sitio Mincamansi, Barangay Anglay sa Lagonglong, Misamis Oriental.

Ayon kay MOPDRRMO Executive Director Fernando Dy Jr., kaagad niyang tinugunan ang panawagan ng mga magsasaka matapos na dumulog ang mga ito sa kanyang tanggapan.

Ayon naman kay 58th IB spokesperson 1Lt Janelle Diaz, narekober ng militar ang mga baril na ibinaon sa hukay, kasama ang ilang subersibong dokumento ng NPA. (Fer Taboy)