Toni at baby copy

SA second week of April nakatakdang magsimula ang follow-up movie nina Piolo Pascual at Toni Gonzaga sa monster hit movie nilang Starting Over Again na ididirek ni Bb. Joyce Bernal.

Siyempre, super excited si Toni na muling pagtatambal nila ni Papa P. Tiyempo raw kasing anim na buwan na ang baby nila ni Direk Paul Soriano na si Seve (Severiano Elliott). Kaya libreng-libre na raw siyang mag-full time sa kanyang showbiz career.

“Talagang ire-recover ko muna ang sarili ko. Sabi ko nga, very timing naman kasing six months na si Seve kaya walang problema na at p’wedeng tuluy-tuloy na tayo sa shooting ng movie namin,” sey ni Toni.

Trending

KILALANIN: Si dating DPWH Usec. Catalina Cabral

Binanggit din ni Toni na sa ngayon ay wala pa silang balak ni Direk Paul na sundan si Baby Seve.

“Huwag naman muna sana, ayaw pa muna namin,” napailing na sabi ni Toni sabay kuwento sa napanaginipan niyang buntis na naman daw siya.

Mabuti nga lang daw at nagising agad siya.

“Sa totoo lang, eh, ginising ko talaga ang sarili ko. Nanaginip kasi ako na buntis daw ako. Sabi ko, anim na buwan pa lang naman si Seve, bakit buntis naman agad. Hay, pasalamat na lang,eh, panaginip lang pala yun,” napatawang kuwento ng TV host/singer/actress.

Wish ni Toni, mga tatlo o apat na taon ang maging agwat bago magkaroon ng kapatid si Seve.Kailangan daw muna niyang i-recover ang lahat-lahat.

“Anim na buwan pa lang naman si Baby Seve. ‘Pag naka-recover na siguro ako nang husto, eh, saka na. Siguro mga apat na taon o kahit tatlong taon muna ‘yun,” sey ni Toni. (JIMI ESCALA)